Thursday, July 23, 2009

Sana





Sana lahat ng bagay may explanation..







sana lahat ng bagay pwede natin kontrolin..







sana lahat ng nangyayari sa atin ayon sa sarili nating 
kagustuhan..






sana lang...







Sunday, July 19, 2009

tunay na pag ibig

it's been a while since i've watched MMK (maalaala mo kaya) on TFC. i was off last night and decided to just stay home and watched tv. naintriga ako panoorin ung episode ng MMK dahil si billie at nikki ang bida. i like nikki.i find her pretty.
it's about a story of a pastor/wedding singer named ToTo na nainlove sa isang bulag na babae named Nene.andami nilang pinagdaanan, from nene's kidney failure to refusing her own dialysis treatment. hanggang sa dumating sa point na tinaningan na si nene at and only wish ni nene is to have a quality 30 days of her remaining life. the story was so touching. napaiyak kami ni boypren while watching it. parang naramdaman ko ung hirap nila pero naovercome nila yun dahil sa love nila sa isa't isa.
may isang line na tumatak sa isip ko. sabi ni Bilie/Toto na once natagpuan mo na ang tunay na pag ibig gagawin mo lahat para sa tao na un even giving up ur own happiness.  napaisip ako. sabi nila minsan lang sa buhay natin dadating ung tunay na pag ibig. hwag ito sasayangin at hwag itatake for granted dahil baka mawala ito at pagsisihan mo sa huli.
after watching the show, i realized one thing..im so lucky na kami pa din ni Pat.super lucky ko na Pat is loving me unconditionally..he gave up his own happiness for me..hindi man katulad kina Toto at Nene ang pinagdaanan namin pero masasabi ko na enough na ung mga pinagdaanan namin para patunayan na mahal nya talaga ako. 
tama ang desisyon ko na to give it another chance..this relationship is really worth fighting for.. when he left my place i sent an sms to him:
Me: have you found ur real love?*i know stupid ung tanong ko*
Pat: yup..matagal na..i believe na ikaw ung tunay na pagibig ko..
Me: aawwww..
Pat: everything about our relationship is worth fighting for..san man tayo dalhin ng life i'll be forever by ur side..

kinikilig ako habang binabasa ko ung messages nya..i gave him a call and told him na i'm lucky that im with him..


nakita nyo na ba yung tunay na pagibig nyo?





OT: promote ko lang ung pinopromote ng friend kong si BLOOM ..i watched the vid kaso i can't vote..kaya sa mga Globe subscriber jan vote nyo na ito.by voting u will get free everybodytxt20 kaya boto na kayo..just click this ..thank you so much..

Saturday, July 11, 2009

=(

feeling ko lahat mali ngayong araw na ito.parang walang tama.kahit gawin ko ung best ko parang kulang padin, mali padin ang ending.naiiyak ako promise.parang quota na ako today.isa pang pagkakamali susuko na ako.

  • super toxic sa work. may namatay, may naghihingalo at may nakatakas na patient..sabay sabay lahat nangyari yan..ang masaya patient ko lahat ng yan.
  • kailangan ko iwrite up ung isang co worker ko.ayoko sanang gawin kaso wala akong choice.i gave her a lot of chances already.di ko na kaya pagtakpan ung mistakes nya.sobra na sha.ayoko sha mapahamak kasi alam kong mahirap magahanap ng trabaho kaso wala akong choice.di na sha natuto.i wrote her up against my will but i need to.
  • nagalit ung isang doctor dahil sa pagkakamali ng ibang nurse.worst part? sakin nabuhos kasi ako ung nakita nya.kung nakakamatay ang mura and curse naku kanina pa ako patay.
  • may nagaway na staff ko..as in physical na away.pinoy parehas. nagbibiruan lang daw hanggang nagkapikunan. write up nanaman ang ginawa ko. may forms na kailangan tapusin kasi physical abuse ang ngyari.
  • di nagrefill ng narcotic meds ung morning shift.ang end up nag instant refill ako sa pharmacy.wala akong mahingan ng tulong so pumunta ako sa basement (where pharmacy is located) from 8th floor..worst part, elevator is not working.under maintenance daw.so i don't have any choice but to use the stairs.inisip ko nalang nice work out para sa ass at legs ko..
  • nagaway kami ni pat.di nya ako kinausap the whole afternoon.i tried sending sms and call him.nag reply sha pero super sarcastic ang messages nya.super babaw ng reasons nya. i don't get it bakit sha ganyan.di ko na kinulit coz i know magbabangga lang kami dahil pagod at stress na din ako at pagnagkataon ang end up is break up nanaman for the nth time.hay naku simula nanaman kami ng ganito.ligawan is over nanaman.
super stress ako ngayon..pag uwi ko i took a warm bath.next thing i know tumutulo na luha ko.ang bigat ng pakiramdam.bakit ganun ginagawa ko ang tama pero ang ending mali pa din.sana isa lang ito sa mga down moment ko.sana bukas okay na.



Thursday, July 9, 2009

diet journey: day 1

tumawag si pat and told me na nagluto si tita ng lunch and asking me if i want to eat sa bahay nila..since dey-op ko naman at walang gagawin i said yes..the lunch was very good..we had fried tilapia with tomato and nilagang bulalo..after lunch nagkwentuhan muna kami ng mom nya.pinagkwentuhan namin ung past years bigla nalang sinabi sa tatay nya:"itong is lov at pat nung bago sila ang sesexy at payat, ngayon malaman na sila parehas.tignan mo ung pisngi sarap pisilin"..naloka ako as in..di ko alam kung complement yun or it's her subtle way to say na ang taba ko..ang nasabi ko nalang:"oo nga tita eh.alam mo naman hobby namin kumain tapos lagi ka pa nagluluto".. madami dami na dn ang nagsasabi na tumaba ako, may mga mababait naman na sinasabi na nagkalaman ako at may iba naman na sinasabi na mukang super happy ako kita daw sa body at aura ko..hay naku, isa lang naman ang gusto nila ipahiwatig..na ang TABA ko..
after that kwentuhan we decided to spend the whole afternoon cleaning pat's room..nakita namin ung old pictures namin..may nakita kaming pics which was taken the day na nagkakilala kami.magkatabi kami sa picture with our friends.dun namin nakita ang difference namin noon at ngayon.we really gained weight..as in GAINED..i'm so skinny that time..size 14 ako sa kids at size 0 naman sa ladies ako noon.ngayon size 2 na ako..same with him..medium lang sha dati ngayon large na ung damit nya..
we decided to go on a diet and go back sa gym..since napanood ko last week sa TFC ung diet regimen ni Bea Alonzo, i want to try that..she just eats saging na saba and egg..i dunno kung hanggang kelan ko makakaya ito, pero determined ako na magbawas ng weight..with pat naman he'll go back sa dating diet nya.grilled chicken breast and green salad.we went sa grocery na din to buy stuffs we needed for our diet..
i've decided na iblog din ang aking diet journey..from  now on ill blog about these diet thing once in a while..sana lang talaga magwork ung diet na ito..sana makayanan ko lahat ng temptations..sa ngayon, goodbye cake, fraps, ice creams, chocolates, at higit sa lahat rice muna..im giving myself one month for this diet pag walang nangyari di na ako magdidiet at kakalimutan ang illusyon ko na maging sexy ulit.

Monday, July 6, 2009

Brandon Daemon/Anthzee Bjorn

i slept the whole day kanina kaya eto ako ngayon almost 130 am na gising na gising pa..daig ko pa nag coffee at redbull..i tried to search some morphthing site.at di naman ako nabigo.curious lang ako kung anu magiging itchura ng baby namin ni pat sa future..after couple of tries, voila may result na at infairness ang ku-cute nila at sana ganyan nga ang magiging face nila in the future..

meet Brandon Daemon

Meet Anthzee Bjorn
infairness ang cute nila as in.ung baby boy ko ang gwapo tapos ung baby girl ko kamuka ni cha cha (bulilit bulilit sanay sa masikip..)kung totoo man yon naku magmumuka naman akong yaya nila.lol!!di ko pa napapakita kay pat.im wondering anu magiging reaction nya..naexcite tuloy ako magkababy..pero i know naman my priorities this time kaya hanggang imagine at morphthing muna ang pagkakaron ko ng baby..


Saturday, July 4, 2009

open letter..

super okay tayo this past days.ur getting better then i got sick.now, im okay, im back to work..akala ko lang pala un.akala ko okay lahat.hindi pala.isa nanaman ito sa pagkakataon na mali ang akala ako.im so stupid to believe na everything is okay. napagusapan natin ang future. ang mga plano. masaya at masarap isipin. pero di ka padin nagbago. ikaw parin ung super tigas na ulo na nakilala ko 5 years ago. ur the same guy na sarado ang isip.
nagwork ako kanina, nagalit ka sakin. sabi mo dapat magpahinga pa ako.mahirap mabinat. aanhin ko ung pera kung  may sakit naman ako..eh bakit ikaw??nakinig ka ba sakin na hwag muna gumawa ng bagay na makakapagod sayo??tignan mo ngayon, nilalagnat ka nanaman..sobrang sama na ung ubo mo.kulang nalang pati intestine mo lumabas kakaubo. tignan mo ung abdomen mo, mistulang may six packs ka na kasi daig mo pa nagsisitups kaka ubo mo. kinausap na ako ng nanay mo. pilitin daw kita bumalik sa ospital. kinausap kita ng malumanay, kaw pa galit sakin. pasensha na, concern lang kami sayo.mahirap ba bumalik sa ospital at magpatingin  ulit?kelan ka babalik ng ospital kung kelan huli na ang lahat??parake pa na nurse ka kung ganyan ka din. ei mister, super nakikita ko na nahihirapan ka na kaya nakikiusap ako sayo na punta tayo sa hospital. di ko magets bakit ayaw mo..libre ka naman sa hospital.kahit singkong duleng wala tayong babayaran so anu pa inaarte mo. sa inis ko sayo nasabihan kita na pag ikaw nawala tandaan mo hanggang sa burol at libing mo di ako titigil kakatalak..panu natin matutupad ung dreams natin?kala ko ba walang iwanan?kala ko ba u'll take care of me?? i know OA ako super kaso kung di ka pa magpacheck ulit soon pupusta ako di maganda ang magiging resulta ng health mo.
boo, kailangan ka pa nmn.kailangan ka pa ng family mo..lagi mo sinasabi na aalagan mo ako at parents mo.pano mo kami maaalagaan kung ang sarili mo di mo kaya alagaan..sabi ko naman sayo i wont get tired taking care of you but u need to do ur part din..di ko pinapahalata pero im so pissed na naiiyak nalang ako.






pasensha na sa readers ng blog ko (as if naman meron..lol).. i just need na ilabas ito..sasabog na kasi dibdib ko eh..salamat..

Thursday, July 2, 2009

first half

ang bilis ng panahon..half na agad ng year.napaisip tuloy ako kanina kung anu ba mga nangyari sa past six months ko.let me make kwento.(ito yung mga naalala ko lang)
  • January - started my new career as a nurse. 
    • hindi ko first love ang nursing kaso due to security at financial reason napilitan akong mahalin ang nursing.
    •  nagpaid off lahat ng hirap ko sa nursing school. kahit paano naman naiaapply ko parin first love ko na psychology. 
    • i'm so lucky din coz im working sa isang stable hospital. 
    • super naaddict ako sa plurk at blogging.
    • nagkalabuan kami ni pat this month.
  • February - still adjusting on my new shift and career.
      • pat and i broke up.
      • met somebody online and became a couple.
      • ito ung time na online ako hanggang 5 am.umikot ang mundo ko sa online world ko.
  • March - went back to the philippines.
    • almost stayed there the whole march.
    •  spend quality time with my family and HIM. 
    • bought a new baby named julio.
  • April - back to frisco. work, work and work
  • May - work and work again. 
    • relationship with HIM ended.
  • June - pats bday celebration. 
    • renewed friendship with the gang. 
    • nagkabalikan kami ni pat and got engaged..


kung anu man ang nangyari sakin those past months wala akong pinagsisihan..sana maging okay din ang second half ng 2009 ko..

kayo kamusta ang first two quarters ng 2009 nyo?